“i want to be a doctor, when i grow up.”
linyang sina-ulo ko noong ako’y bata. pilit kong sinambit nang walang nginig sa harap ng maraming tao.
lumaki akong may kakaibang kwento sa buhay. lahat naman tayo may sariling pahinang sinusulatan araw-araw, pero ang sa akin, lubos kong ipinagmamalaki.
ako si mickey, ‘yan ang tawag sa akin sa aming bahay. masasabi kong lumaki akong may swerte, nakapag-aral at sunod sa layaw. si “nene”, bunsong babae ng aking lolo’t lola ang aking mama. noon pa lang normal na sa akin na lolo’t lola ko ang kasama ko sa bahay. “nanay” at “tatay” pa nga ang tawag ko sa kanila. akala ko ganoon talaga ang normal na pamilya.
dumating ang ika-pitong taon ng aking buhay, umalis si mama sa bahay at bumuo ng panibagong pamilya. tandang tanda ko pa kung paano ako humahagulgol kakahabol sa kanya at iniiyak ang “sama ako sa’yo mama.”
lumipas ang panahon, lumaki ako kasama sila nanay at tatay, naroon naman si mama na minsang dumadalaw. minsan pa nga idinikit n’ya ang aking taenga sa kanyang sinapupunan. ang sabi n’ya “may kapatid ka na….”
sa panahon ding ‘yun nauso ang drama sa tv. isang punto, umiiyak na lang ako dahil nakita ko ang aking buhay. ang isang anak sa labas.
si papa nga pala ay isang abogado. dati n’yang sekretarya si mama. at dun… dun pala nagsimula ang buhay ko.
unti-unti akong nasanay sa aking sitwasyon, dahil hindi naman nagkulang ang aking nanay at tatay. hanggang sa dumating ako sa grade 6, panibagong yugto na naman.
umalis sila nanay at tatay, pumunta sa US. naiwan ako kila mama kasama ang aking mga kapatid at aking tito (asawa ni mama). masaya naman ang buhay kasama nila. kahit iba ang aking apelyido, hindi naman nagkulang si mama. noon ako natuto magsaing, maghugas ng plato at magluto. kasama ko pa si mama mamalengke habang bitbit namin ang aking mga kapatid. masaya, almost perfect family.
pero… tuloy talaga ang panahon sa pagkulay ng buhay ng tao. first year high school ako noon, isang umaga hindi na makahinga si mama. dinala s’ya sa hospital samantalang ako naman ay bitbit ang dalawa kong kapatid papasok sa eskwela.
hindi ko maintindihan ang nangyayari noon. pamilyar naman ako sa katagang “stroke”, ‘yun daw ang sakit ni mama. pero lumipas ang oras, araw at linggo… parang walang nangyayari. hanggang sa ilipat si mama sa NKTI, doon kase nagtratrabaho ang tito ko bilang nurse, mas makakamura daw kami kung doon magpapagaling si mama. linggo rin ang nagdaan bago ko s’ya unang madalaw.
hanggang sa dumating ang oras na nagbigay sa akin ng matinding kaba. kasama ko ang ninong ko na umuwi pa mula sa US. sabay kaming pumasok sa ICU. suot ko ang mask at cap. nakita ko si mama. may tubo sa bibig. nakadilat at nakatingin sa akin. may machine sa gilid na bumobomba ng hangin. umiiyak s’ya at simula na akong humagulgol at hindi nakapagsalita. masikip sa dibdib, parang walang hangin. inilabas ako ng ninong ko sa icu pero nakatatak pa rin sa isip ko ang hirap ni mama.
lumipas pa ang linggo at buwan. ang tubo sa bibig ni mama, wala na. may butas na sa kanyang leeg at doon na nakaddugtong ang dating tubo. nakakapagsalita na s’ya pero si tito lang ang nakakaintindi sa kanya. wala kase s’yang boses, bukang-bibig na lamang.
lumipas ang buwan, nasa hospital pa rin si mama. doon pa nga sya nagcelebrate ng isang birthday n’ya. lahat kami pumunta, may dalang spaghetti, manok, cake at lobo. lahat kami kumanta ng “happy birthday”. pati mga nurse na naroon.
darating na naman ang pasukan ng eskwela. gusto ni mama na umuwi sa bahay. gusto n’ya kase mabantayan ang pag-aaral naming magkakapatid. kaya naman ang dati naming sala naging kwarto n’ya. may ventilator, hospital bed at suction machine. inabangan na lang namin ang pagdating ng ambulansya. pati mga kapit bahay nagaabang sa pagdating n’ya.
first year high school pa lang ako natutunan kong magpakain sa PEG (yung tobo na daanan ng pagkain na kakakabit sa tiyan.) ang mahirap lang eh ang pag-suction. nakakatakot. pero kelangan kong matutunan.
ilang taon pa ang nagdaan umabot ako ng 4th year high school. dumating din ang araw ng graduation. nakabihis ako at naka-neck tie, nagpaalam ako kay mama. ” mama, alis na ako” wala akong kasama kundi ang isa kong ninang. umiiyak s’ya habang lumalabas ako ng pintuan. natapos ang graduation ko, ang ninang ko nauna nang umuwi dahil may gagawin pa sa simbahan. ako naman? s’yempre kelangan kong magcelebrate. pumunta ako sa jollibee at kumain. kasabay ko ang mga ka-batch ko, kasama ang nanay at tatay nila…. ako, kasama ko ang isang bakanteng upuan. naiyak na lang ako sa bawat kagat ko ng burger, pero ganoon talga.
college na, mukhang pahirapan ito. high school pa lang hilig ko nang magsulat. kaya naman binalak kong kumuha ng journalism. pero sa lahat ng inapplyan kong university, wala akong naipasa. oras na para humingi ng tulong sa aking papa, na noong panahon na iyon eh konsehal pala ng manila. pumunta ako sa bahay nila sa tondo. para humingi ng pangmatrikula. sabi ko baka pwede n’ya akong ipasok sa PLM. pero hindi s’ya puamayag at nagalit pa. sabi n’ya lalapit lang daw ako sa kanya para humingi ng pera. “marami akong anak, and i can throw you like a shit”. ang laki ko namang tae ‘di ba? sa bangdang huli, binigyan ny’a rin ako ng pangmatrikula ara sa 1st sem. pinakuha n’ya ako nng BSOT, wala daw kaseng pera sa journalism.
nagsimula na ang kolehiyo, parang tuloy pa rin ang drama. ibinenta na ni mama ang minana n’yang lupa, para ipangtustos sa kanyang sarili at sa eskwela ng mga kapatid ko. s’ya na rin ang nagbigay ng baon ko kapag pumapasok. noong highschool P120 ang baon ko, noong college naging P50. pero ganoon talaga.
natapos ang first sem, wala nang ibingay si papa na suporta. hanggang sa umuwi ang lolo’t lola ko at sila na ang tumustos muli sa aking pag-aaral. nariyan ang ilan na ‘di maiwasan at sasabihan kang.. “mickey, ‘wag mong gatasan ang nanay, pumunta ka sa papa mo at ‘yun ang gatasan mo.” sana, kung alam lang nila kung paano ako itinapon ni papa na parang tae lang…
alam kong malakas ako, at kinaya ko naman ang lahat. hanggnag noong mag-3rd year college na ako, naconvince ako ni mama na magnursing na lamang, mas madali makatapos kaysa sa BSOT, at in demand pa.
ganoon pa rin si mama, may tubo pa rin at makina. humihina rin ang katawan, pumapayat, labas masok sa hospital. parang kandilang uniti unting nauubos.
nauna nang umalis si tatay, at namahinga, alam kong darating din ang oras na aalis din si mama. ilang araw bago s’ya umalis nagpaalam s’ya sa akin.
“alagaan mo ang nanay, ang mga kapatid mo, mag-aral kang mabuti, pasensya ka na sa mga pagkukulang ko”. para akong batang nabunutan ng tinik noong sinabi n’ya iyon, hindi na ako nakapagsalita at humagulgol na lang tulad ng dati. magaan sa pakiramdam ang paghingi n’ya ng tawad. parangĀ nasa ulap.
pumunta kami sa bahay nila.isang araw nagring ang telepono, si tito ang nasa linya… “pakisabi wala na si nene”…. wala na si mama. noong panahon na iyon ay kasama ko na ang nanay sa ibang bahay. nagbihis ako ng itim sumandal sa dingding, umiiyak. “mama….” pumasok ako sa kwarto n’ya, nakabalot sya ng puting kumot tulad ng sa bata, nakalabas ang kanyang mukha, maputi at malamig. sabi ni tito “mickey halikan mo na s’ya, mamaya kukunin na s’ya” hinalikan ko sya sa noo, ng ilang beses. nagpaalam ako. bago pa man sya kuhanin, sinundo ko si mark sa school. “mam, excuse me po, kelangan ko na pong sunduin si mark…. mark, wala na si mama….” tulala ang aking kapatid. tahimik…
marahil tama na nga. pitong taon sa kama ay sapat na para makapagpahinga naman s’ya. tama na nga para magpaalam. magpaalam.
maraming taon na rin ang nakalipas. narito ako nayon, ganap na nurse. ilang pasko at bagong taon na rin ang nagdaan, ilang kaarawan na rin nya ang bumilang. wala na si mama. pero narito pa rin ang patuloy na ginuguhit ang aking buhay.
mama, nurse na ako, tulad mo na nurse din. mama, siguro kung narito ka, isa ka nang head nurse, o kaya naman, sabay na tayong nagrereview ng nclex. siguro mama kung narito ka, ibang iba ang buhay namin. masaya, may tawanan. namimiss ko na ang hagikgik mo, ang ngiti, ang chicharong bulaklak. ang nilagang baka. ang lugao tokwa at baboy. nakakamiss lahat mama…
mama, magpapasko na naman, sayang di ka namin kasamang pupunta sa aming mga ninong at ninang, di ka namin kasamang maimili ng bagong damit at sapatos. at wala ka sa noche buena.
pero ok lang mama, ganoon talaga ang buhay para sa atin. pasenysa ka na at di ko na nasubaybayan ang mga kapatid ko. si mark, nagnunursing din. si marvin at mico, nagaaral sa abu dhabi. si tito nurse na rin doon. at ang nanay natin, kasama ko sa bahay. ngayong pasko magkasama kami.
saan ka man ngayon alam kong masaya ka. tahimik. walang hirap.
merry christmas mama…