minsan
Friday, April 29th, 2005minsan gusto kong mag-isa. mag-isip at ipagpalagay na minahal n’ya ako..
kahit papaano may naramdaman s’ya para sa akin, nagtiwala kahit katiting….
masakit n’on, pinili ko s’ya dahil akala ko s’ya ang buhay ko… binigay
ang lahat nang hgit pa para sa sarili ko…. paano kaya ‘un? bigla
s’yang nawala.. ni hindi ko alam na lumbas na s’ya sa puso ko…
sadyang iniwan ang susi dahil ang totoo, hindi n’ya ako minahal. bingay n’ya
ang oras niya pero hindi ang buhay n’ya… ngayon, minsan minsan na lang
ako mag-isip… dahil ngayon nananatili na sa isip ko na sa akin lang ang
buhay ko… hindi sau, hindi sa kanya… hindi ko dapat sinabi na ikaw ang
lahat sa akin dahil isa lang akong hangin na pinadaan mo sa buhay
mo… kahit papaano, nagpapasalamat pa rin ako sau, pinatawa mo ko,
sabihin na nating may saya… nawala ang lungkot noong kinantahan mo
ako… pero ang awit mo ay hindi na magbabalik kahit kailan…
salamat sa iyo….. minsan… salamat….