Archive for May, 2005

my bloody valentine

Thursday, May 5th, 2005

30 minutes na lang dadating na s’ya…
may lakad kase kami ngayon…
sabi ko dapat kahapon kami manonood ng "shall we dance…"
for sure maraming nagdadate ngayon…
valentine’s…

September 12, 2002 nang una kaming magkita sa isang party…
hindi ko makakalimutan…
naka pink na polo, faded na maong at leather shoes.
ilang beses rin n’ya akong nahuling tumitingin sa kanya…
dyahe….
"oh bakit ka namumula, hindi ka pa nga umiinom eh.." sabi ng bestfriend kong si joean…
"ano ka ba best, nahuli ako nung guy na tumitingin sa kanya… nakakahiya… "
"’yun bang nakangiti na nakatingin dito?"
"oo best… ano ka ba ‘wag mo nang tingnan…"
kinawayan ni jo ang tinutukoy ko at bigla na lang ako napatalikod at bumulong…
"best, anong ginagawa mo?"
"don’t worry girl, he is gery, my cousin…"
lumapit sa amin ang lalakeng iyon at ipinakilala sa akin ni jo….
"hi, i’m gery…"
"hello, i’m sarah…"
"ano ka ba gery, ‘di mo man lang sinabi na pupunta ka rin dito eh ‘di
sana nai-set kong escortan mo ang bestfriend ko?" pang-aasar ni jo…

lumipas ang ilang araw..
iniisip ko pa rin s’ya…
isang gabi may tumawag…
"goodevening, pwede po ba kay sarah…"
kwentuhan…
tawanan…
‘yan ang naging kasunod..
umabot sa pagsikat nang araw….
ilang ulit ding nagyari….
ilang oras, araw….
ilang linggo at halos limang…. buwan din kaming nagkasama…

february 13, 2003…
kakaibang araw…
sinagot ko na rin si gery…
wala akong magawa..
maaga akong pinana ni kupido at hindi na nakapaghintay ng kinabukasan…
masaya…
ang sarap nang may minamahal at nagmamahal..
si gery ang 3rd boyfriend ko..
pero kung ako ang tatanungin,
s’ya lang ang una at huli kong mamahalin…

february 13, 2004…
1st year anniversary namin…
pumunta kami ng baguio para sa flower festival.
kasama si jo at ang ka-MU n’ya…
ang saya naming apat…
ipinakilala n’ya ako sa mga relatives n’ya sa baguio..
kinabukasan, february 14, nagulat na lang ako paggising ko…
punong puno ng white roses ang kwarto..
maaliwalas ang paligid..
pagbukas ng pinto…
pumasok si gery at may dalang breakfast…
"happy valentine’s hon… i love you…"
napaiyak na lang ako at napangiti sa sobrang saya…

lumipas pa ang ilang araw, linggo at buwan…
heto’t mauulit ang araw na minsang nagpaiyak at nagpangiti sa akin…
tumawag s’ya sa telepono..
paalis na s’ya sa bahay…
nagtext.. at medyo traffic daw…
ilang segundo, minuto..
umabot sa isang oras wala pa rin s’ya…
can’t be reached ang phone n’ya…
nakaidlip ako…
isang text…
"sarah, punta ka dito sa hospital"
si jo ang nagtext…
hindi na ako nagreply… wala na rin kase akong load…
2 hours late na si gery…
nagtaxi ako papaunta sa hospital.
hinihintay ako ni jo sa lobby…
"oh, bakit ka umiiyak, anong nangyari?"
inabot sa akin ni jo ang isang lalagyan na bilog na may kulay red na ribbon…
pagbukas ko, isang singsing…
"ano ito?"
"papunta na dapat si gery sa inyo… may surpresa s’ya sa iyo….
humingi nang favor sa akin si gery na maghanda ng dinner date para sa
inyo… sabi n’ya ilagay ko raw ung ring sa ice cream… strawberry
flavor, favorite mo raw kase un… sarah, magpropropose sana sa iyo si
gery… kaso sumabog ung bus na sinasakyan n’ya… sarah, wala na si
gery…."
napakapit ako nang mahigpit kay jo, hawak sa aking palad ang singsing….
nabanngit ko ang pangalan ni gery ng tatlong beses kasabay ng pag-agos ng aking luha…

February 13, 2005..
huling anniversary na magkasama kami…
ngayon suot ko ang singsing
gaya nga ng nasabi ko….
kung may isa pang pagkakataon..
si gery lang…
ang una at huli kong mamahalin…

SHOW, webcam…

Thursday, May 5th, 2005

kani-kanina lng. wala pang 5 minuto akong nakaupo d2 sa shop naming
lahat (RAM-I.R.) dumating ang isang babae… kasama ang isang bata…
umupo agad sa tapat ng unit na katabi ko…. akala ko magina sila….
may kacutan din naman ang nakakabatang babae… kahawig ni serena…
binuksan ang YM. nagpaturo kay dimple kung paano gamitin ang webcam.
may kakausapin sila nang agaran… sumilip ako at nakita ko ang isang
babae sa webcam… mahaba ang buhok… nasa abroad ang babae. (paano ko
nalaman? basta…) nang tumagal pa…. biglang naiba ang drama. umiiyak
ang batang babae… at ang sabi noong kasama…. "oh tingnan mo si
mommy oh.. umiiyak din.. wag ka na iyak…." hindi ko alam kung ano ang
naramdaman…. nawala ang attention ko sa ginagawa ko…. konting kurot
na lang ay iiyak na rin ako. gsto ko sabihin sa bata.. "wag ka na
umiyak, buti ka pa nga makakasama mo pa si mama mo sa pasko…" pareho
kaming nangungulila sa ina… umiiyak silang dalawa… ang mag-ina….
naiisip mo ba kung bakit ko sinulat to??? ako alam ko na…. dati rati
ang cam, akala ko pangshow lang… hindi pala… tulad ng alcohol
pampamilya rin pala… hehehe… ngayon sa tuwing papasok ako sa shop
naming lahat… hinding hindi ko malilimutan ang bata, ang ina, ang
show…. ang webcam…

ASL?

Thursday, May 5th, 2005

ika-walo ng gabi.nakahimlay ang aking katawan sa ilalim ng puno ng
akasya.madilim ngunit nakangiti ang buwan at mga tala.sa isang dako ng
kawalan napako ang aking bintana.nasilayan ang barong barong na
tinatahanan ng liwanag.sa ilang sandali nakipaglaro ang alingawngaw ng
mga halakhak sa huni ng kuliglig.ang saya ay tila ngmumula sa isang
ina, isang ama at isang anak.sa sandaling iyon nglaho ang liwanag na
dagling tinakpan ng mga luha.pumatak sa lupa at bumaon ang aking
kaluluwa sa pangungulila.ako ay isang bungang pilit pinahihinog sa
labas ng isang tahanan.ang mata ko’y bulag na sa kadiliman,bingi na ang
aking taenga sa katahimikan ng aking pusong sabik sa galak.paos na ang
ting sa pagdaing.sa bisig ni ama liliwanag ang bukas.sa kanlungan ni
ina muling dadaloy ang aking tinig.ang kanyang oyayi ang magpapasigla
sa aking kaluluwa.ngunit ang katotohanan ay panaginip na lamang ang
lahat.maging ina mang muli ang aking ina, at maging ama muli ang aking
ama. kailan man sa isang libo’t pitumpu’t limang panahon, hindi na
muling aawit ang kaluluwa ng isang tulad kong "A"nak… "S"a "L"abas
….

Mcdo

Thursday, May 5th, 2005

lam mo ba ung commercial ng mcdo? ung mgasawa. may sakit ung babae.
sabi nya, "ung kurtina…" "ung unan…" "bili ka na ng merienda.."
alam mo na ba? wala lang….

7 years ago, 1st year hi-skul ako nang isang umaga gumising si mama
at hnd makahinga. kelangan naming pumasok ng mga kapatid ko, sa MC kami
lahat ngaaral. hnd ko alam kung ano ang ngyri, sabi stroke daw, sabi
naman ng iba kulam. halos six mos din si mama sa NKTI, dun kc ngwowork
ang stepdad ko as a nurse. nung una kong makita si mama sa ICU,
humagulgol ako. kita ko sya may tube sa bibig na nakakabit naman sa
respirator. inakay ako ng ninong ko palabas. kc umiiyak na din si mama.
september ngyari un. dun din sya ngbirtday noong march. at ngaun
malapit na ang pasukan, gsto nya umuwi para masubaybayan kaming
mgkakapatid. june pasukan na kc ule. inuwi namin sya. ang sala namin
nagng kwrto ng ospital. may kama, respirator at suction machine.
lumipas ang araw, buwan at taon.. nakahiga pa rin si mama sa kama nya.
pinalilipat ung unan at kung minsan pinabubuksan ang bintana.

hnd ko makakalimutan si mama, lalo ko pang naalala ng dahil sa
commercial ng mcdo. ang unan, kurtina at ang merianda. nagtitiis un na
d kumain, kc dumating sa punto na wala na syang pera pmbili ng pagkain
nya. inuuna pa nya kaming mga anak nya. august 2003, umaga bago sya
mamatay, ginising pa nya ang stepdad ko, maginit daw ng tubig at
papasok na si bunso. ang lupet ng mama ko noh. hirap ng huminga nakuha
pa nyang isipin ang anak nya..

1 week bago sya namatay, nghabilin na sya sa akin.
alagaan ko daw si lola at mga kapatid ko. mgaral ng mabute at
mgpakabait daw ako. bilang anak hnd ko maialis sa sarili na mgkaroon ng
sama ng loob sa kanya. pero nabunot ang lahat ng sabihin nyang…"mahal
na mahal kita, pasensya ka na sa pagkukulang ko" humagulgol na naman
ako at hnd nakapagsalita.

pumasok ako sa kwarto nya, tahimik, hnd na umaandar ang respirator.
patay ang aircon dahil malamig na si mama, nakabalot ng kumot na parang
baby. "hnd ako iiyak" sabi ng stepdad ko, "mickey, halikan mo na,
mamaya kukunin na yan." sa buong buhay o hnd ko maalala kung kailan ko
sya hinalikan. dala ng damdamin ng isnag anak hinalikan ko sya ng 3x..
"ba-bye mama, pahinga ka na."

natapos ang panahon ng pgdadalamhati heto pa rin akot ngluluksa.
bago sya mamatay sinabi ko sa sarili ko na tnggap ko na kung ano man
ang mangyari.. oo, nagawa ng isip ko na tnggapin ang lahat, pero ang
puso ko.. ayaw pumayag…

muntik akong umiyak nang mapanood ko ang commercial. nakita ko ang
isang babae na minsang ngmahal at patuloy na ngmamahal. isang ina na
hindi ko malimut-limot… sana nakapagsalita ako noon at nasabi kung
gaano ko sya kamahal…

"mama, mahal na mahal ko po kayo… tapos na ko ng nursing, para sau
toh… sana ma, andito ka, wala kc akong kakampi eh… ma, miss u
na…."

ikaw? hihntayin mo pa bang mgkaroon ng commercial sa tV bago mo
maisip ang dapat mong gawin… swerte ka, kasama mo pa ang mama mo.
kaya kung ako sau, iparamdam mo na ang dapat, gawin ang tama… mahalin
mo sya…. minsan paguwi mo, pasalubungan mo sya ng hamburger at french
fries.. samahan mo n rin ng coke…. pagmamahal…

Pakipunasan Po

Thursday, May 5th, 2005

kumusta ate, kuya?
natatandaan n’yo po ba ako?
ako si clark.
‘yung batang laging sumasabit sa jeep.
dala ko ang paborito kong basahan.
pagkasakay, luluhod ako’t pupunasan,
ang bawat paa, sapatos, tsinelas.
natatandaan mo ba?
"ano ba bata, ang dumi ng kamay mo!"
"wala eh, wala akong barya binayad ko na"
ate, kuya…..
bababa ako ng jeep lilipat sa kasunod na byahe.
minsan may nagbibigay, madalas wala.
bibili lang sana ako ng pansit…
‘yun eh kung maka singkwenta ako sa isang araw.
ate, kuya…..
hinahanap n’yo ba ako?
hindi na ako makasama kila caloy at botong eh.
narito ako ngayon sa higaan, nagpapahinga.
minsan kase, pagbaba ko ng jeep….
nagsigawan ang mga pasahero.
nagulat sila.
"ang bus!"
"nakuuu!!!! ang bata!"
"dali, dalhin n’yo sa ospital"
hindi ko na maalala kung ano ang nangyari.
basta nakita ko si nanay sa isang kwarto.
inalis n’ya ang kumot at niyakap ako.
ate, kuya…..
kumusta?
lapitan n’yo naman si inay.
umiiyak…
nababasa ang salamin ng higaan ko.
pakipunasan po…..

Saging at Banana

Thursday, May 5th, 2005

Trese anyos ako nang una
akong maglako ng saging.
Sa hirap ng buhay kailangan
kong tumulong kay tatay.
Si nanay kase baldado nang atakihin s’ya.
Pito kaming magkakapatid.
Pangatlo sa panganay na lalake.
Kinse si kuya nang magbabad
sa lansangan, mahirap talaga.

May piso, 1.50 ang tinda ko.
Sa bawat piraso sa akin ang beinte singko.
Balik puhunan ang piso.
Swerte na kung maubos ko ang isang kariton.
Panigurado may pansit akong iuuwi sa bahay.
Sa init ng araw,
istambay lang sa talipapa.
Mula umaga hanggnag tanghali.
Kapag may natira,
ilalako ko na sa bahay bahay.
Tiyak luge kapag hindi naibenta.
Hindi ko naman pwedeng iuwi
dahil walang kita.
Sa pagsapit ng hapon ayos lang
kung may matirang isang piling.
Para sa pamilya ko naman na.

Pag-abot ko nang kinse,
sumabay ako kay kuya.
Hindi mainit kung maglako sa gabi.
Presko pa ang hangin.
Ang kukulay pa ng ilaw sa avenue.

"Banana kayo sir? Mura lang….
Sariwa pa. 300 subo mo na.
500 naman kung gusto n’yo
munang balatan, isa-isahin….
All the way na ‘yun…"

Hindi naman ako luge..
Mas madali ito kaysa saging…
Tang-ina!
Sa umaga ang init…
Kariton ang tulak.
Samantalang isasakay ako sa kotse.
Maglalako?
Tatayo lang ako sa circle.
Bahay bahay?
Hotel ‘to tsong. May aircon.
HIndi lang pansit, may lechon manok pa.

Tang-ina!
Banana kayo d’yan?!