Archive for October, 2006

i love you jean

Tuesday, October 3rd, 2006

wow, todo na ito. i’m trying hard not to eat rice na. puro sandwich na lang. pero parang bale wala din kaya kung maya’t maya naman ang tirada.

suddenly a thought came to my mind while i’m trying to eat the tomatoes. "parang wala namang nagyayari, saan nga ba ako pupunta?"

when i was i kid i dreamt of becoming a doctor someday. pedia kase ang ninong ko maybe dala na rin ng influence n’ya. but i grew up not really taking it seriously. lumaki kase ako na nariyan si mama, si ninong at si lola making decisions for me. pare, oo, they even chose my haircut. buti na lang sa ngayon, i chose the color of my hair. so ano ang connection? simple lang i can’t make a big decision.

in every move i take, i always ask someone… "ok ba ito? o ‘yung isa?" if you will look at it, masyadong mabagal ang phasing ng buhay ko kung lagi na lang ako magtatanong ‘di ba? hindi ko nga yata kaya sumabay sa sudden change. it should be gradual. ayoko kase ng may biglang nawawala o nababago. lalo na kapag tao. mahirap.

kaya bilib ako sa mga tao who are standing on their own. there is something in me na parang gustong sumabog. i know i got the strength, all i need is to burst it out. if that happens, i’ll fly.

"hmmmm… sarap ng club house."

at the last bite parang wala pa rin akong mahalukay na sagot..

"saan nga ba ako pupunta?"

i am a registered nurse, marahil to pass the board would be enough to tell me na ‘yun ang destiny ko. pero maya’t maya hinahanap ko ang pagsusulat. bawat kanta nagsasabi rin sa akin na gusto ko maging sikat. (joke lang). pero nasaan na nga ba ako ngayon?

i am not practicing my profession. bigla kase akong nakipagcross ng landas kay jean. i took the training for BLS kase isa ‘yun sa requirement sa NKTI. pero ewan ko ba kung ano ang humatak sa akin para mag-undergo ng intsuctor’s training course. hayun, nakapasa naman at ngayon masasabi kong isa na akong instructor.

almost six months na akong nagtuturo. masaya naman kahit nakakapagod. maghapon ka ba namang nagsasalita sa harap ng 70 + na students. pero ok lang. sabi ko nga masaya… lalo na kapag dumating na ang evaluation time, nakakataba ng puso.

"sir mike is very professional… husay magturo… aztig si sir… kamukha ni harry santos… good sense of humor…strict… asset ng team… sir sana magawa rin namin ang ginagawa n’yo… keep up the good work…."

hay, nakakaiyak kung iisipin. pero saan nga ba ako pupunta?

i know one day maghihiwalay din kami ni jean. sa simula pa lang sinabi ko naman na, "basta tatapusin ko lang ang sampung turo aalis din ako…"

pero higit na ako sa 10 pero hindi ko maiwan si jean. shit! mahal ko na s’ya…. i told my self that i would never fall in love with jean. grrrrrr… ang hirap… lalo na kapag masaya.

sa totoo lang alam ko naman kung saan ako pupunta, isang araw magtratrabaho ako sa isang ospital para magamit naman ang aking pinag-aralan at ang pinaghirapang license. gaya nga ng sabi ko, ayoko ng biglaan lalo na kung marami ang magbabago. sa ospital maaring ‘di ko na makita si jean. maaring lumipas ang time at unti-unti a s’yang mawala sa buhay ko. pero ‘un nga ang ayaw ko. ayoko ng may nawawala sa buhay ko.

grrrrr…. naiintindihan mo ba ako? kilala mo ba si jean?

jean henri dunant, tatay ng red cross….. sarap maging volunteer pero mahirap…