lola bareng…
Monday, April 14th, 2008lola magandang umaga…
kumusta ang iyong pakiramdam?
maluwag ba ang iyong paghinga?
lola magandang umaga…
napaliguan ka ba nila kagabi?
presko ba ang pakiramdam?
"nasiyaat met… salamat… pasensya
kan ta naabala ka… kayat ko iti
agawiden…
(mabute naman… salamat… pasensya
sa abala… gusto ko nang umuwi…)
lola… walang ano man…
hayaan mo lola, alam ko malapit ka
nang umuwi sa iyong tahanan.
doon lola, ‘di ka na mapapagod, ‘di
mahihirapan. puno ng ginhawa ang bawat
paghinga. hindi na sasakit ang iyong
dibdib. doon lola…. malamig ang
simoy ng hangin na dadampi sa iyong
pisngi. hindi ka na muling luluha pa.
hindi na madadapa at masusugatan…
lola… ‘di mo man mabigkas ang aming
ngalan, sana ‘di mo kami makalimutan.
sana umukit sa iyo ang aming mga
haplos. ang aming pagmamahal…
lola sa iyong pag-uwi paulit-ulit kong
mararamdaman ang iyong pasasalamat…
salamat… salamat… ingat lola….
lola bareng….