Archive for July, 2008

tun’og

Monday, July 7th, 2008
 
   

siya’y isinilang sa mundong gahaman.
lumilipas na sandali sa hilaw na laman.
sinuksok ang kababuyan sa kalooblooban.
lansa ng kanyang puri’y abot sa libingan.

gatas na may tamis ay natuyo sa labi.
batang naglalaro ay binawian ng ngiti.
sa pagdurusa ay siya namang itinali.
pamilyang durog ang nagdulot ng hapdi.

mugmog ng kamusmusan ay dagling kinain.
inaawit ang daing na bigay ng amain.
"pen pen de sarapen panty ko’y wag hubarin,
haw haw halimaw ang aking tiyuhin."

tinahak ang landas at doon tumungo.
sumasabay ang bata sa pag-inog ng mundo.
naglalakbay sa kalye para sa iilang pico.
paglalakad kung gabi, kailan hihinto?

kapoteng-bilog, wala sa bulsa ng mama.
batang manggagawa, ngayo’y nagdurusa.
tun’og para sa iyong hanap na ligaya.
sa kanyang lagusan STD ay nakapunla.

   

dalawang araw lang pala

Monday, July 7th, 2008
 

nais kong sabihin ang nadarama,
nang
dahil sa bagal ay may nauna.
bumaon ang sakit, pumasok sa taenga,
nang
malaman kong kayo na pala.


lumipas ang araw, linggo at buwan.
kayo’y magksama, kapiling ko’y
kalungkutan.
nalunod sa inggit sa inyong pagmamahalan.
pangarap pa rin
ang ikaw ay mahagkan.


tumakas sa hapdi at sa iyo tumungo.
gabi ng sabado nang tumawid sa
telepono.
ang bawat laman nitong aking puso.
at sa katotohanan ay
naging tayo.


labis na tuwa ang namuot sa damdamin.
di makapaniwala na ikaw rin ay
sa akin.
ang pagusad ng oras ay nais kong pigilin.
baka sa paggising
ikaw ay di na akin.


sumapit ang linggo tayo pa ring dalawa.
sa tabi ng telepono, para
bang magkasama.
may kwentuhan, asaran na nagdulot ng saya.
bago ibaba
ay may "i love you" pa.


dumating ang lunes ako ay dumistansya.
baka nag number 1 mo ay
makahalata.
binawalan ang sarili na lapitan ka.
ang sigla ng kahapon ay
tila nawawala.


pagsapit ang dilim ang sabi mo’y tama na.
dito magtatapos pagkat
pinili mo siya.
paalam at salamat at ako’y lumigaya.
ngunit ito’y
dalawang araw lang pala.

   

paglubog ng araw

Monday, July 7th, 2008

"sanay di magmaliw ang dati kong araw, nang munti pang bata sa piling ni nanay"


masaya akong naglalaro sa may dalampasigan habang umaawit ang dagat.
kasama ko si mama na naghahabulan sa puting buhangin. sa ilalalim ng
kahel na kalangitan ay namuo ang pagmamahalan ng isang mag-ina. sa
pagod ay nauupo kami ni mama sa may batuhan. pinagmasdan ang paglisan
ni haring araw, manghang mangha sya sa kagandahang natanaw. sa
pagtuldok ng huling silahis ng araw ay sinabi ni mama.. "mickey, ang
buhay ng tao ay naglalakad lamang sa isang dalampasigan. masdan mo
ang ating nilakaran, ang lahat ng tao ay may iisang paroroonan. iba
iba nga lang ang bakas na iiwan natin sa buhangin"
sa pagsapit ng dilim ay inihiga ako ang aking katawan sa kandungan ni
mama. sa ilang ulit na pagalon ng tubig ay namuo ang mga butil ng
perlas sa mata ni mama.. ang bawat butil ay isaisang gumulong sa
tagiliran ng dagat. at sa pagihip ng hangin ay umawit si mama.


"sa aking pagtulog na labis nang himbing. ang bantay koy tala, ang
tanod koy bituin..sa piling ni nanay langit ang buhay.."


sa pagsikat muli ng araw ay ibinangon ko ang tamad kong katawan.
kumikinang ang tubig sa dagat at dagli kong ginising si mama upang
maglaro muli… uba ang naramdaman nang hindi ngumiti si mama sa kabila
ng aking paggising.. sa maaliwalas na kalangitan ay natanto ko na
narating na nya ang ating paroroonan. ang matamis kong ngiti ay
dagling binalot ng pangungulila… at sa pagihip ng hanging amihan ay
aking nasambitm "paalam, mama…"


sa paglipas ng panahon muli akong nagbalik sa may dalampasigan.
hubad ang paa at naglakad at dinama ang bawat butil ng  buhangin.
muling binalikan ang matatamis na alaala. narating ko ang batuhan
kung saan natapos at nagsimula ang lahat. muling nasilayan ang
pamamaalam ni haring araw… niyakap ako ng pangungulila ngunit
nabubuhay pa ang pagasa na muli kamimg maghahabulan ni mama sa isang
dalampasigan kung saan di na muling lulubog pa ang araw…


"puso kong may dusa, sabik sa ugoy ng duyan…."