i love you jean

October 3rd, 2006 by bluewriter13

wow, todo na ito. i’m trying hard not to eat rice na. puro sandwich na lang. pero parang bale wala din kaya kung maya’t maya naman ang tirada.

suddenly a thought came to my mind while i’m trying to eat the tomatoes. "parang wala namang nagyayari, saan nga ba ako pupunta?"

when i was i kid i dreamt of becoming a doctor someday. pedia kase ang ninong ko maybe dala na rin ng influence n’ya. but i grew up not really taking it seriously. lumaki kase ako na nariyan si mama, si ninong at si lola making decisions for me. pare, oo, they even chose my haircut. buti na lang sa ngayon, i chose the color of my hair. so ano ang connection? simple lang i can’t make a big decision.

in every move i take, i always ask someone… "ok ba ito? o ‘yung isa?" if you will look at it, masyadong mabagal ang phasing ng buhay ko kung lagi na lang ako magtatanong ‘di ba? hindi ko nga yata kaya sumabay sa sudden change. it should be gradual. ayoko kase ng may biglang nawawala o nababago. lalo na kapag tao. mahirap.

kaya bilib ako sa mga tao who are standing on their own. there is something in me na parang gustong sumabog. i know i got the strength, all i need is to burst it out. if that happens, i’ll fly.

"hmmmm… sarap ng club house."

at the last bite parang wala pa rin akong mahalukay na sagot..

"saan nga ba ako pupunta?"

i am a registered nurse, marahil to pass the board would be enough to tell me na ‘yun ang destiny ko. pero maya’t maya hinahanap ko ang pagsusulat. bawat kanta nagsasabi rin sa akin na gusto ko maging sikat. (joke lang). pero nasaan na nga ba ako ngayon?

i am not practicing my profession. bigla kase akong nakipagcross ng landas kay jean. i took the training for BLS kase isa ‘yun sa requirement sa NKTI. pero ewan ko ba kung ano ang humatak sa akin para mag-undergo ng intsuctor’s training course. hayun, nakapasa naman at ngayon masasabi kong isa na akong instructor.

almost six months na akong nagtuturo. masaya naman kahit nakakapagod. maghapon ka ba namang nagsasalita sa harap ng 70 + na students. pero ok lang. sabi ko nga masaya… lalo na kapag dumating na ang evaluation time, nakakataba ng puso.

"sir mike is very professional… husay magturo… aztig si sir… kamukha ni harry santos… good sense of humor…strict… asset ng team… sir sana magawa rin namin ang ginagawa n’yo… keep up the good work…."

hay, nakakaiyak kung iisipin. pero saan nga ba ako pupunta?

i know one day maghihiwalay din kami ni jean. sa simula pa lang sinabi ko naman na, "basta tatapusin ko lang ang sampung turo aalis din ako…"

pero higit na ako sa 10 pero hindi ko maiwan si jean. shit! mahal ko na s’ya…. i told my self that i would never fall in love with jean. grrrrrr… ang hirap… lalo na kapag masaya.

sa totoo lang alam ko naman kung saan ako pupunta, isang araw magtratrabaho ako sa isang ospital para magamit naman ang aking pinag-aralan at ang pinaghirapang license. gaya nga ng sabi ko, ayoko ng biglaan lalo na kung marami ang magbabago. sa ospital maaring ‘di ko na makita si jean. maaring lumipas ang time at unti-unti a s’yang mawala sa buhay ko. pero ‘un nga ang ayaw ko. ayoko ng may nawawala sa buhay ko.

grrrrr…. naiintindihan mo ba ako? kilala mo ba si jean?

jean henri dunant, tatay ng red cross….. sarap maging volunteer pero mahirap…

ayoko na

September 24th, 2006 by bluewriter13

sapol sa pagkakataong ito, nagwawala na naman ang tito ko. ewan ko ba sa alak, kung bakit ba naman sa utak umiikot. nakakawalang-gana.

"putang ina! hindi n’yo ako mahal! pagod na ako.."

halos lumaki ako na nakikita ko s’ya na basag-ulo. may pagkakataon pa nga noong bata ako, nakita ko si mama, may blow sa eye. alam ko kung sino ang salarin. isang tao na mahilig humingi ng singkwenta pesos sa lola ko para sa bote ng beer.

lumaki na ako’t lahat, sabay kaming tumatanda pero ewan ko ba.. pinili ko na lang manahimik dahil sa respeto kaya heto ako nagsusulat para mailabas ang pagkabadtrip ko..

our place is almost a hell. i want to breakaway para makakita ng bagay a maganda. right now i’m thinkin’ of a new place kung saan tahimik. walang lasenggong nagwawala at tumatalon mula sa second floor ng bahay.

teka, what’s the problem nga ba with alcohol? oo, umiinom din ako pero hindi ako ngwawala, magwala man ako dahil sa nagkakatuwaan at hindi dahil sa away. this guy here probably, mahina ang loob. oo, lahat naman tayo mahina ang loob. pero ewan ko ba, sino nga ba ang matapang? may mga tao kase na dinadaan na lang ang lahat sa tagay at laklak ng alak.  pero sobra na? kelan ba lalakas ang isang mahina? kelan kaya magsasalita ang taong ito ng walang alak sa katawan.

puro kase salita, daing nang daing, hello? lahat naman ng tao nahihirapan. pero ano nga ba? mas marami ba o kaunti ang kayang harapin ang problema at solusyunan.

ayoko talaga magsalita, pero malapit na. kaunti pa. malay mo kapag nagkasabay kami ng paglaklak, masabi ko sa kanya….

"ano ba? hindi ka ba nagsasawa? ako, ayoko na!"

nueve onse

September 10th, 2006 by bluewriter13

"ma, kumusta kayo d’yan? ma, kayo na bahala kay sammy ah. kung ano man ang magyari, ikaw na ang bahala sa anak ko. si papa? natutulog ba? ‘wag mo na gisingin para makapagpahinga… mama, baka hindi na ako makatawag uli, hindi na rin ako makakauwi sa pasko. basta naipadala ko naman na ‘yung box, nakaipit na rin doon ‘yung allowance ni sammy… ma, i love you po… mahal ko kayo… tell sammy everyday that her mama loves her so much… that i might be here forever for her future.. ma, in case na maputol ang linya, just pray… ok lang ako ma…."

tooootttt…  tooootttt… tooootttt…

iyon nga ang huling tawag ni leslie, pangalawa sa lima kong mababait na anak. single mom s’ya, pero ganoon pa man, hindi s’ya nagkulang kay sammy. lahat ginawa n’ya pati ang magtrabaho sa new york.

ilang taon na rin pero, bilang isang ina hindi ko matanggap ang nangyari, masakit masyado…

"lola, bakit ka umiiyak?"

sana, wala na lang ganyan sa mundo. marami ang nadadamay, nangungulila ang marami. sana isang umaga magising tayong lahat, iisa sa ilalim ng iisang Dios..

********************************************************************

What’s wrong with the world, mama
People livin’ like they ain’t got no mamas
I think the whole world addicted to the drama
Only attracted to things that’ll bring you trauma
Overseas, yeah, we try to stop terrorism
But we still got terrorists here livin’
In the USA, the big CIA
The Bloods and The Crips and the KKK
But if you only have love for your own race
Then you only leave space to discriminate
And to discriminate only generates hate
And when you hate then you’re bound to get irate, yeah
Badness is what you demonstrate
And that’s exactly how anger works and operates
N**, you gotta have love just to set it straight
Take control of your mind and meditate
Let your soul gravitate to the love, y’all, y’all

People killin’, people dyin’
Children hurt and you hear them cryin’
Can you practice what you preach
And would you turn the other cheek

Father, Father, Father help us
Send us some guidance from above
‘Cause people got me, got me questionin’
Where is the love (Love)

Where is the love (The love)
Where is the love (The love)
Where is the love
The love, the love

It just ain’t the same, always unchanged
New days are strange, is the world insane
If love and peace is so strong
Why are there pieces of love that don’t belong
Nations droppin’ bombs
Chemical gasses fillin’ lungs of little ones
With the ongoin’ sufferin’ as the youth die young
So ask yourself is the lovin’ really gone
So I could ask myself really what is goin’ wrong
In this world that we livin’ in people keep on givin’ in
Makin’ wrong decisions, only visions of them dividends
Not respectin’ each other, deny thy brother
A war is goin’ on but the reason’s undercover
The truth is kept secret, it’s swept under the rug
If you never know truth then you never know love
Where’s the love, y’all, come on (I don’t know)
Where’s the truth, y’all, come on (I don’t know)
Where’s the love, y’all

People killin’, people dyin’
Children hurt and you hear them cryin’
Can you practice what you preach
And would you turn the other cheek

Father, Father, Father help us
Send us some guidance from above
‘Cause people got me, got me questionin’
Where is the love (Love)
Where is the love (The love)
Where is the love (The love)
Where is the love
The love, the love

I feel the weight of the world on my shoulder
As I’m gettin’ older, y’all, people gets colder
Most of us only care about money makin’
Selfishness got us followin’ our own direction
Wrong information always shown by the media
Negative images is the main criteria
Infecting the young minds faster than bacteria
Kids act like what they see in the cinema
Yo’, whatever happened to the values of humanity
Whatever happened to the fairness in equality
Instead in spreading love we spreading animosity
Lack of understanding, leading lives away from unity
That’s the reason why sometimes I’m feelin’ under
That’s the reason why sometimes I’m feelin’ down
There’s no wonder why sometimes I’m feelin’ under
Gotta keep my faith alive til love is found

People killin’, people dyin’
Children hurt and you hear them cryin’
Can you practice what you preach
And would you turn the other cheek

Father, Father, Father help us
Send us some guidance from above
‘Cause people got me, got me questionin’
Where is the love (Love)

suddenly

September 9th, 2006 by bluewriter13

suddenly, nagkaroon ng poste ng ilaw. wag ka, tig-isang metro ang agwat sa isat isa. parang kandila sa prusisyon.

bigla ring ngkaroon ng halaman sa gomang paso, ayos din ah, "SK CHAIRMAN" ang nakapinta, colorful!

bawat tolda sa funeraria, may nakatatak na "KONSEHALA", boboto pa ba kapag may lapida na?

ang tren sa norte, ang lalaki ng pasasalamat sa kusang loob na pagtulong daw ng mga tao sa project, p#&@! ilang demolition ba ang nabalita sa tv?

OMG, traffic jam! whatta hell! buo pa naman ang kalsada, bakit binakbak at sisimentuhan uli? for maintenance ba, for imporvement? o baka naman for maintanance at increase of votes?

sige, simulan ninyo na iyan. BER month na kase… lapit na election ‘di ba? sana araw araw may election…. para araw araw may pagbabago!

p#&@! kala n’yo boboto ko kayo? in your face!

BEINTE TRES Na Pala Ako

September 7th, 2006 by bluewriter13

Oo nga naman, paano mo nga naman masisisi kung magbago ang isang tao. eh lahat naman tayo hindi ba? may mga bagay na isa-isang lumakad sa buhay ko. may mga ilan na lumakad dalawang hakbang palayo, may talo at may anim. meron din namang isa-isang lumapit at tinanggap ko naman sa buhay ko. isa-isahin natin, mapa-bagay ito man o tao:

# 1 si SAVANAH - last december bumili ako ng african lovebirds (nadenngoy nga ako, ang mahal kase) i decided to have a pair para may kasama si SAM (dalmatian) at syempre ang lola ko. pet therapy ni lola kung baga. ayun mabalik tayo kay savanah, ilang buwan na wala pa ring itlog so ang ginawa ng tito ko, ipnalit n’ya sa kakilala n’ya. dumating ang bagong ibon, nawala si SAVANAH, pero may limang itlog naman.

# 2 NINONG FIDEL - ninong ko s’ya sa kumpil. almost a year na rin nang madiagnosed s’ya na may sakit sa kidney. after all the battle, talagang lahat tayo susuko sa KANIYA.

# 3 si MAMA - august 14 death anniversary ni mama. ang bilis ng panahon. nakakamiss ang mama kong madrama. (lab u po)

# 4 MARK, MARVIN, at MICO - three half brothers ko na madalas kong kaagaw sa remote control ng tv. ayun nasa abu dabhi na sila marvin at mico. hay may pinagmanahan nga ako, pinili kong matulog na lang kesa sa ihatid sila. ouch! nakakamiss din ang makukulit… hindi ko makakalimutan ang huling labas nating apat. (teka first time yata nating manood ng sama sama nun ah) si mark, hehehe bro damay damay tayo.

# 5 JHAY-EM - naku pare, hehe pare talaga? tagal din kita nakasama. ilang beses mo na rin akong sinamahang umiyak. walang katumbas ‘yun. sa ano mang pagkakamali na nagawa ko sensya na. (sa totoo lang may tampo rin ako sa’yo eh… hehehe joke) alam ko isang araw magcro-CROSS ule ang landas natin.

# 6 PAENG - hehehe…. pano na lang ang BT ko kung wala ka. salamat. painom ka naman, miss ko na ang hikhikhik mo. hehehehe magbasag tayo ng bote ah.

# 7 ALAK - red horse pa! tagay pa! hehehe hindi ko akalain tatanggapin ka ng buhay ko. sabi nila bad ka raw. pero nung natikman kita, hindi naman eh. mali sila. masaya ka ngang kasama eh. hehehe (bad influence ba? ok lang naman basta tama lang)

# 8 YOSI - naku ah, hindi ako chain smoker. i’m not! hehe pero isasabay lang kita sa alak. hehehe lights, oh light… oooohhhh liiiights….

# 9 BHOK, DHANG at DYAPONG - panindigan na natin toh. hehehe lapit pa, todo pa. kelan natin bubuksan ang cafe natin ha?

# 10 VOLTES 21 - may kanya kanya na tayong buhay pero iisa pa rin ang pagkakaibigang binuo natin.

# 11 CELLPHONE -  pasensya ka na kung palagi kitang hawak. alam ko nabibigatan ka na sa kamay ko. wala kase ao magawa kung hindi ang pindutin ka. karamay kase kita lalo na kung madaling araw. :) soon, may kasama ka na..

# 12 MCian’s -  mapa-ano mang section ka. kakilala man kita o hindi, i mizzed the high school life. oh lech… hehe

# 13 ang NEIGHBORHOOD - ang del mundo compound, bow…. ang habulan, taguan at bahay-bahayan hehehe. mga kapit bahay! si t-rex, sila richard, tupe, dong2, king, tar2, emer, eric, erika, iska, mga pinsan ko…. ate joy, khaye, elo at michelle… sila jonjon at cathy… hala gurang na tayo ah.

# 14 RED CROSS FAMILY - pangalawa kong tahanan, salamat sa pagtanggap. sa inyong lahat, salamat. (mam cris, sir nestor, mam rwin, mam lanie, mam carol b., sir athan, sir naldy, sir ernie, sir marlon, mam emy, mam tin2, mam lyn, mam carol e., mam sheena, mam ness, mam carlynn, mam jan,sir chris, sir dhino at theza, mam nyanne, sir jimmy, mam yeh, sir jun, sir derek, mam jehan, sir nash… sa lahat ng RCY, ate edna, sa lahat ng volunteer at board of directors).

# 15 ICE - alam mo naman kung sino ka di ba? salamat….

# 16 PENTAGONERS - Dyane, Diane, Rube, Macky, Julius, Blue, Pao, Ate Divive, Dhon, Michelle, Cha, Joan, Tin2, Rhy at Vic… hehehehe Salamat… Salamat sa mga hindi ko nabanngit. St. Jude, Quipo, Manaoag…

# 17 FATIMA - mga kaklase ko… Mae, Dean, Dhay, Mel, Mark, Chie, Ems, Ate Son, Joean… sa lahat. Ghie, Gen, Gena….. Ka-nursing. KA-PT-OT’s…. Liway, Dhang, John, Tin2, Albert… mga professors, CI’s…. dean, board of trustees, ladies and gentlemen… sa mga estudiante ko an rin…. salamat.

# 18 M.A.E - 9 mos. ikaw lang talaga serious rel ko. nasaan ka man… salamat… hay ang baguio….

# 19 RAM-IR - mga pare at mare, fwends….. kakamiss ang tambayan ah…

# 20 LOLA - ako ay may lola, ngalan ay antonia, pasensya ay mahaba, makinis ang mukha, mahal n’ya ako at mahal ko rin s’ya, kaya kaming dalawa, ay laging magkasama. (lab u nanay)

# 21 PC - wow ngayon lang kita na-appreciate. sarap mo palang kumonek. adik!

# 22 kayong LAHAT - maaring kilala na kita o kilala mo na ako. maaring darating pa lang ang araw ng ating pagtatagpo. ano man ang mangyari, saan man ako mapunta, ako man ang maiwan o lumayo. magbago man ang lahat. salamat.

# 23 at IKAW - alam Mo dumating na ang araw sa buhay ko na hindi na Kita kinausap. lumayao ako kase ang akala ko, pinapahirapan Mo ako. akala ko paborito Mo sila. hindi ko na kinilala ang Iyong antanda. pero sa lahat ng bagay at taong nagbago, mapailan man ang hakbang nila palapit o palayo. salamat sa Iyo…. nariyan Ka pa rin sa tabi ko, hindi Mo pala ako iniwan… (lab u)

BEINTE TRES Na Pala Ako

bola

June 4th, 2006 by bluewriter13

para akong bola,
bilog at makulay.
tumatalbog sa lupa
lumulutang lutang sa tubig.

para akong bola.
ipinapasa-pasa,
hinahagis,
hinahampas at
sinisipa-sipa.

para akong bola,
masaya kung titingnan,
matibay.
tatalbog talbog,
sumasabay sa takbo ng laro.

para rin akong bola,
kapag sobra sa hangin,
sasabog.
kapag kulang naman,
lulubog.

para akong bola,
nabubutas din.
at kapag na-vulcanized,
may peklat din.

para akong bola…
tatalbog talbog at
gugulong gulong.

at ikaw,
para kang bata.
hawakan mo ako ngayon,
dahil tulad ng bola,
baka bukas ako’y wala na….

ang lola mo….

November 26th, 2005 by bluewriter13

kanina ang lola mo bumili ng parol. kulay gold yari sa aluminum foil. kahit walang handa basta may parol pasko na.

kanina ang lola mo nasa simbahan, patuloy pa rin ang panata, dasal at luhod hawak ang lumang rosaryo.

kanina ang lola mo, nakaupo sa labas ng simbahan, nagtitinda ng kandila para sa isusubo ng apo.

kanina ang lola mo, may hawak na saklay, sa hospital. isang saklay lang, dalawa dapat. mahirap talaga ang buhay.

kanina ang lola mo nagtitinda. puting puti ang buhok sa maputik na kalsada ng divisoria. para sa hapunan na lugaw.

kanina ang lola mo nasa hagdan ng LRT, ilong ng isang katutubong binaba ang bundok para sa limos na iaabot mo.

kanina ang lola mo nasa TV. hawak ang rehas na bakal. nagtinda ng marijuana. may katarata na ang mata ngunit wala pa ring laya.

kanina ang lola ko, nagluto ng tortang giniling. lahat ginagawa para sa akin. nagtitiis ‘wag lang ako mahirapan.

ikaw? kanina, naisip mo ba ang lola mo…..

"nay, i love you po…."

OUCH!!! sa tagalog, Aray…..

November 11th, 2005 by bluewriter13

alam mo naman siguro ang pakiramdam ng salitang ‘yan.

madalas mo naman sigurong maranasan hindi ba?

kapag natapilok, nadulas, nauntog…

aray….

ouch kapag natapilok ka sa isang taong ‘di mo naman kilala. masaya ka kapag nakikita mo, napapangiti ka. pero naku po, aray kung ma-in-love ka sa isang tulad n’ya. ouch ba naman kase, ni hindi ka nga n’ya napapansin.

aray….

ouch kapag nadulas ka. sa sobrang kagustuhan mo, nagpakilala ka. at nalaman mo na hindi pala pwede, hindi pala dapat. naku naman. aray naman talaga kung tatanga-tanga ka. hindi iniisip ang babagsakan kapag dumulas ka.

aray….
ouch kapag nauntog ka. sa puntong dumating ang oras, na marerealize mo ang kapalpakang ginawa mo. ang sakit nga naman kapag mismong pader pa ng bahay n’yo ang gumising sa iyo para sa realidad ng buhay.

aray….
ouch naman talaga ang magmahal. hindi sa lahat ng oras ay "wow, ang ganda. wow ang sarap". ilang gramo man ng gamot, aaray at aaray ka pa rin.

sa susunod, tanggapin mo na lang na ang kadalasang kasunod ng "i’m in love" at "mahal kita" ay "Ouch!"… sa tagalog, aray….

my bloody valentine

May 5th, 2005 by bluewriter13

30 minutes na lang dadating na s’ya…
may lakad kase kami ngayon…
sabi ko dapat kahapon kami manonood ng "shall we dance…"
for sure maraming nagdadate ngayon…
valentine’s…

September 12, 2002 nang una kaming magkita sa isang party…
hindi ko makakalimutan…
naka pink na polo, faded na maong at leather shoes.
ilang beses rin n’ya akong nahuling tumitingin sa kanya…
dyahe….
"oh bakit ka namumula, hindi ka pa nga umiinom eh.." sabi ng bestfriend kong si joean…
"ano ka ba best, nahuli ako nung guy na tumitingin sa kanya… nakakahiya… "
"’yun bang nakangiti na nakatingin dito?"
"oo best… ano ka ba ‘wag mo nang tingnan…"
kinawayan ni jo ang tinutukoy ko at bigla na lang ako napatalikod at bumulong…
"best, anong ginagawa mo?"
"don’t worry girl, he is gery, my cousin…"
lumapit sa amin ang lalakeng iyon at ipinakilala sa akin ni jo….
"hi, i’m gery…"
"hello, i’m sarah…"
"ano ka ba gery, ‘di mo man lang sinabi na pupunta ka rin dito eh ‘di
sana nai-set kong escortan mo ang bestfriend ko?" pang-aasar ni jo…

lumipas ang ilang araw..
iniisip ko pa rin s’ya…
isang gabi may tumawag…
"goodevening, pwede po ba kay sarah…"
kwentuhan…
tawanan…
‘yan ang naging kasunod..
umabot sa pagsikat nang araw….
ilang ulit ding nagyari….
ilang oras, araw….
ilang linggo at halos limang…. buwan din kaming nagkasama…

february 13, 2003…
kakaibang araw…
sinagot ko na rin si gery…
wala akong magawa..
maaga akong pinana ni kupido at hindi na nakapaghintay ng kinabukasan…
masaya…
ang sarap nang may minamahal at nagmamahal..
si gery ang 3rd boyfriend ko..
pero kung ako ang tatanungin,
s’ya lang ang una at huli kong mamahalin…

february 13, 2004…
1st year anniversary namin…
pumunta kami ng baguio para sa flower festival.
kasama si jo at ang ka-MU n’ya…
ang saya naming apat…
ipinakilala n’ya ako sa mga relatives n’ya sa baguio..
kinabukasan, february 14, nagulat na lang ako paggising ko…
punong puno ng white roses ang kwarto..
maaliwalas ang paligid..
pagbukas ng pinto…
pumasok si gery at may dalang breakfast…
"happy valentine’s hon… i love you…"
napaiyak na lang ako at napangiti sa sobrang saya…

lumipas pa ang ilang araw, linggo at buwan…
heto’t mauulit ang araw na minsang nagpaiyak at nagpangiti sa akin…
tumawag s’ya sa telepono..
paalis na s’ya sa bahay…
nagtext.. at medyo traffic daw…
ilang segundo, minuto..
umabot sa isang oras wala pa rin s’ya…
can’t be reached ang phone n’ya…
nakaidlip ako…
isang text…
"sarah, punta ka dito sa hospital"
si jo ang nagtext…
hindi na ako nagreply… wala na rin kase akong load…
2 hours late na si gery…
nagtaxi ako papaunta sa hospital.
hinihintay ako ni jo sa lobby…
"oh, bakit ka umiiyak, anong nangyari?"
inabot sa akin ni jo ang isang lalagyan na bilog na may kulay red na ribbon…
pagbukas ko, isang singsing…
"ano ito?"
"papunta na dapat si gery sa inyo… may surpresa s’ya sa iyo….
humingi nang favor sa akin si gery na maghanda ng dinner date para sa
inyo… sabi n’ya ilagay ko raw ung ring sa ice cream… strawberry
flavor, favorite mo raw kase un… sarah, magpropropose sana sa iyo si
gery… kaso sumabog ung bus na sinasakyan n’ya… sarah, wala na si
gery…."
napakapit ako nang mahigpit kay jo, hawak sa aking palad ang singsing….
nabanngit ko ang pangalan ni gery ng tatlong beses kasabay ng pag-agos ng aking luha…

February 13, 2005..
huling anniversary na magkasama kami…
ngayon suot ko ang singsing
gaya nga ng nasabi ko….
kung may isa pang pagkakataon..
si gery lang…
ang una at huli kong mamahalin…

SHOW, webcam…

May 5th, 2005 by bluewriter13

kani-kanina lng. wala pang 5 minuto akong nakaupo d2 sa shop naming
lahat (RAM-I.R.) dumating ang isang babae… kasama ang isang bata…
umupo agad sa tapat ng unit na katabi ko…. akala ko magina sila….
may kacutan din naman ang nakakabatang babae… kahawig ni serena…
binuksan ang YM. nagpaturo kay dimple kung paano gamitin ang webcam.
may kakausapin sila nang agaran… sumilip ako at nakita ko ang isang
babae sa webcam… mahaba ang buhok… nasa abroad ang babae. (paano ko
nalaman? basta…) nang tumagal pa…. biglang naiba ang drama. umiiyak
ang batang babae… at ang sabi noong kasama…. "oh tingnan mo si
mommy oh.. umiiyak din.. wag ka na iyak…." hindi ko alam kung ano ang
naramdaman…. nawala ang attention ko sa ginagawa ko…. konting kurot
na lang ay iiyak na rin ako. gsto ko sabihin sa bata.. "wag ka na
umiyak, buti ka pa nga makakasama mo pa si mama mo sa pasko…" pareho
kaming nangungulila sa ina… umiiyak silang dalawa… ang mag-ina….
naiisip mo ba kung bakit ko sinulat to??? ako alam ko na…. dati rati
ang cam, akala ko pangshow lang… hindi pala… tulad ng alcohol
pampamilya rin pala… hehehe… ngayon sa tuwing papasok ako sa shop
naming lahat… hinding hindi ko malilimutan ang bata, ang ina, ang
show…. ang webcam…